Wednesday, June 10, 2009

Ang Sulat ni Ama at ni Ina

Ang Sulat ni Ama at ni Ina kay bunso,..

Anak sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, anak huwag mo sana akong kagagalitan, kasi maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, anak huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit mo na lang ang sinasabi mo o pakisulat mo na lang kaya ko pa naman bumasa kahit medyo malabo na ang aking mata.

Pasensya ka na, anak, kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad..

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.

Tutal hindi na naman ako magtatagal.Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...


Paalala sa mga anak,.. ang sinumang umalipusta sa ama't ina ay kanya ring daranasin sa oras ng kanyang pagtanda (Karma kung baga)... kaya habang buhay pa ang inyong mga magulang dapat lang ninyong pagsilbihan para sa pagtanaw ng utang na loob sa kanila at ipadama na sila ay mahalaga sa inyo.

Huwag natin gayahin ang ugaling Americano, na kung matanda na ang kanilang mga magulang kanila na ito diladala sa home care center, dinadalaw na lang kung kailan nila gustong dalawin,.. kaya kawawa ang mga matatanda sa america, hindi nila nararanasan ang pag-aaruga ng kaninlang mga anak habang sila ay kasalukuyang matandana.


Kung Gusto Mong Makatipid sa Pagpapadala ng Package Ito ang Gawin Mo

Hello there,

I just want to share this story that I have read from one friends of mine, in which it relates to someone out there in overseas who wished to save money regarding sending a package to their relatives. Enjoy reading the story, but don't takes it seriously becaus you might be scared.

Wcrab.

Here is the story:

Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, “Ay, naku! Tingnan mo ‘yan… hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay.”
Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:

Mahal kong tatay at mga kapatid:Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe.“Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod…Nasa likod ni nanay ang dalawampu’t apat na karnenorte at isang dosenang spam.Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana’y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. “Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa angmga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa ‘yung mga pamangkin ko at ‘yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay. Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan. Isang dosenang Wonder bra (Victoria’s Secret ata ang tatak)gustong- gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay. May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot- suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.
Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko.Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,


Bebeng

Friday, June 5, 2009

My Semi-Bio

Well,...I believed life, sometimes brought us downhearted and sometimes brought us in a very lucky moment. Other people remained in a situation where they were lived poor until they were becomes old and died without any changes occurred, but me,...it's different,...because I believed we could change our life by means of hard labour with dedication to find how to change our destiny, from nothing to have something. 


To share my life,... I was born in a remote area in the Philippines in which poverty was a big burden. But because my parents have a fighting spirit, all of my brother and sister, including myself goes to the public school in which no out-of-pocket to be expend for tuition fees, only personal miscellaneous would be the burden until all of us finished high school due to hard labour and dedication of my parents to educate us. 


After high school,.. I took Civil Engineering course while on a part time job as a laborer in a construction company. Since I am devoted to finished my bachelors degree, I took a regular job, 6 days a week and 8 hrs a day as a laborer, then as a lead man, then as a construction assistant supervisor until I finished my bachelors degree as a Civil Engineering. After I took the board/state licensees exam. I become a field engineer in different construction company (in the Philippines), from there, my life change rapidly, from nothing to having somethings that I proudly presents to all people who knows what I am before, who knows who I am and how I experience the hard labour before. Year 1992, I got married to my beautiful wife to whom I love most, and thanks to god he gave me four loving kids as of todate.







Thursday, June 4, 2009

Idol

Now,.. do you know Emmanuel "manny pacman" pacquiao,.. guessed what,... he said to Oscar De La Hoya after their fight that " Oscar you're still my Idol, Oscar replied to him,... no you are my idol now because you didn't knock me down". When Manny saw Oscar De La Hoya on Ricky Hatton team fight to give moral support to Ricky,

Manny was mad at him,... instead of three rounds to knocked Ricky Hatton down on the canvass as Fredie Roach predicted,.. Manny did it in two rounds in dedication to Oscar De La Hoya's loyalty as his new idol. Oscar De La Hoya didn't show up anymore after the fight,... he is shame and afraid that Manny would give him a surprise unseen straight job into his faced for being Balimbing.

Questioned to be answered and Answered to be questioned

Every time I've watched Manny Pacquiao fight in Las Vegas Nevada, Gov. Chavit Singson was there,.. is Gov. Chavit gambling habbits change?, that instead of jueting he is now enjoying boxing because his presence becomes global? how about Manila Mayor Lito Atienza, why he is no longer present during Manny Pacquiao fight, does he is no longer interested in becoming a President or Vice President of the Philippines as what Noli De Castro did? Hmmm,.. I smells something wrong why Manny Pacquiao becomes a residents of Saranggani Province,... those who advice Manny Pacquiao to registered at Saranggani Province,... the hell with you. Manny,.. please don't lesten to them, just stayed what are you now today, don't be used by self interested politician.